Pagtuturo sa mga Batang may Espesyal na Pangangailangan, mula sa Pananaw ng Isang “Practicumer”

Isinagawa ni Joyce Santoceldes
JOY8
Panayam Kasama si Angelo Yuzo

Si Angelo Yuzon ay isang 4th Year student ng University of Santo Tomas, siya ay mula sa College of Education-Bachelor of Special Education. Para sa kanya, siya ay inspiradong kinuha ang kursong Special Education dahil nagkaroon siya ng Guro na nagtapos ng parehong kurso noongsiya ay nasa high school pa lamang. Isa rinsa mga dahilan ay dahil mayroon siyang kilala na mayroong espesyal na pangangailangan.

Subalit ang kursong Special Education ay hindi niya prayoridad noon, ang tanging

JOY7
Mga estudyante ng Mayfield Montessori Academy


pinagpipilian niya lamang ay ang kursong “Legal Management” at “Conservatory of Music” dahil hilig niya rin ang tumugtog ng “drums”. Aking napag alaman na ang UST lang ang tanging paaralan kung saan siya kumuha ng “admission test”, nang matapos niya ang eksam, hindi na siya sumubok pa sa ibang paaralan. Kasalukuyan niyang sinasagawa ang kanyang “practicum” ang unang paaralan na kanyang pinagturuan ay sa P. Gomez kung saan siya nagtuturo araw
-araw, ang ikalawa at kasalukuyang paaralan naman ay sa Mayfield Montessori Academy, isang private school kaya para sa kanya ay mas magaan ang trabaho at naikwento niya rin sa akin na ang UST mismo ang nagbibigay ng paaralan kung saan siya magtuturo kaya naman wala siyang pagkakataon mamili kung saan niy gusto magturo.

JOY6Bilang mayroon na siyang karanasan sa pagtuturo ng mga batang may espesyal na pangangailangan, nagbigay siya ng kaunting payo dahil darating ang panahon na kami naman daw ang magtuturo. Payo niya ay dapat magkaroon ng napakaraming pasensya dahil may mga bata o estudyanteng bigla na lamang tatakbo o lalabas ng silid-aralan—ang tanging pwede namin gawin ay sundan sila at yakapin. At ang pinakamahalagang payo niya ay dapat mahalin namin ang aming mga estudyante dahil hindi madali ang aming trabaho at mas maisasagawa namin ng maayos ang aming trabaho kung mayroon kaming pagmamahal at kung kami ay may dedikasyon.

Leave a comment

Blog at WordPress.com.

Up ↑

Design a site like this with WordPress.com
Get started